PARANGAL AT PAGKILALA PARA SA BAYAN NG TAGUDIN
Agosto 26, 2026 (Meyerkules)- Isang makabuluhang pagkilala ang iginawad sa Local Government Unit of Tagudin, Ilocos Sur sa pamamagitan ng Plake ng Pasasalamat at Pagpapahalaga, bilang pagpapahalaga sa patuloy nitong suporta, pakikipagtulungan, at pakikiisa sa mga programa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ang parangal ay tinanggap ng ating Katulong iti Umili, Mayor Evangeline Ingoy Verzosa, sa ginanap na pagdiriwang ng 35th Anniversary ng BJMP @35 na may temang “Disiplina at Responsibilidad sa Serbisyong may Kredibilidad.” Malaking karangalan din para sa Tagudin Municipal Jail ang pagkakamit ng “Best Municipal Jail of the Year”—isang patunay ng kanilang mahusay na pamamahala, disiplina, dedikasyon, at tapat na paglilingkod.
Ang mga parangal na ito ay bunga ng matibay na ugnayan at sama-samang pagsisikap ng LGU Tagudin at Tagudin Municipal Jail sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, makatao, at responsableng pamayanan. Patuloy sa tapat, mahusay, at makabuluhang serbisyo para sa bawat Tagudinians!



